225

Mar 10, 2020 @ 15:32
By

DOH biktima ng fake news sa COVID-19

Abiso ng Department of Health (DOH) sa madla, huwag maniwala sa kumakalat na pahayag na iwasan ang ilang mall sa bansa dahil sa lumalaganap na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Giit ng DOH, walang katotohanan na nag-abiso silang umiwas sa ilang mall sa bansa, gaya ng SM Aura, SM Megamall, at Fishermall.

“DOH flags the circulating message advising the public to avoid certain malls, hotels, and establishment as fake,” wika ng ahensiya sa Facebook ngayong Martes, Marso 10, 2020.

“DOH has not issued any advisory on this matter. We appeal to the public to verify their information at DOH Official Channels,” hayag pa nito.

Para sa mga update ukol sa COVID-19 at iba pang health-related concern sa bansa, bisitahin lang ang mga opisyal na account ng DOH:

Website: https://www.doh.gov.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/
Twitter: https://twitter.com/DOHgovph

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?