107

Dec 21, 2017 @ 13:24
By

DOH bawal bumili ng bakuna vs dengue sa 2018

Hindi apektado ng kontrobersiya sa anti-dengue vaccine ang buong immunization program ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Senator Loren Legarda, chairman ng Senate committee on finance, na ibinigay pa rin ng buo sa DOH ang hiningi nitong pondo para sa immunization program sa 2018.

Pero nilinaw na mahigpit na pinagbawalan ang DOH na bumili ng bakuna laban sa dengue.

May partikular na probisyon sa 2018 General Appropriations Act na nagbabawal sa DOH na bumili ng bakuna laban sa dengue.

Leksiyon ito ng isyu ukol sa pagbili ng Aquino administration ng bakunang Dengvaxia na itinurok na sa 830,000 bata at ilang pulis sa Quezon City nang hindi pa nalalaman noon na maaring makasama sa hindi pa nagkakasakit ng dengue.

Ipinaloob sa General Appropriation Act para sa 2018 ang particular na probisyong nagbabawal sa DOH na bumili ng bakuna laban sa dengue.

Sa susunod na taon, 171.09 billion pesos ang badyet ng DOH.

Nakapaloob na ang 51.59 bllion para sa pagbili ng mga gamot, bakuna at mga medical at dental sullies na ipamamahagi ng mga government health care facilities.

Sa bakuna, magpapatuloy ang DOH sa pagbili at pagtuturok sa mga bata ng bakuna laban sa polio, measles, tetanus, diphtheria, pertussis, hepatitis b, german measles at tuberculosis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?