21

Apr 19, 2021 @ 18:11

DOH: Balikbayang kumpleto bakuna obligado pa sa COVID test, quarantine

Kailangan pa ring sumailalim sa COVID-19 testing at quarantine pagdating sa Pilipinas ang mga Pilipino na galing sa ibang bansa kahit pa kumpleto na ang bakuna nila laban sa coronavirus, ayon sa Department of Health (DOH).

“Sa ngayon, kahit fully vaccinated na ang mga returning Filipinos natin, tayo pa rin po ay nagre-require ng same procedure of quarantine and testing,” lahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual press briefing ngayong Lunes.

Aniya, wala pang ebidensiya na nakita ang mga eksperto na nagpapahiwatig na nahaharangan ng bakuna ang paglilipat ng virus.

“So hanggang hindi pa kumpleto at hindi pa sufficient ang ebidensiya to finally conclude that these vaccines can really prevent one person from being infected and that person from infecting others, then we will retain our protocols,” dagdag ni Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?