17

Nov 30, 2021 @ 15:20
By

DOH: Balik face shield hindi pa kailangan

Sa ngayon ay walang pangangailangan na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face shield dahil sa napakababang transmission level ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng banta ng bagong Omicron variant.

Ayon kay Department of Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, kaya pang makapagbigay ng benepisyo o proteksyon laban sa virus ang face mask.

“‘Yung paggamit siguro na i-mandate na naman ang face shield, we’re actually leaving that to private establishments. But right now, there is no need at this very low transmission level na idagdag natin ‘yung face shield,” aniya sa panayam sa ANC.

Nasa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Disyembre 15 ang ilang lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila, kung saan boluntaryo ang pagsusuot ng face shield. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?