29

Jan 13, 2022 @ 18:26
By

DOH: Bagong kaso ng Covid 19 sa ‘Pinas lalong nadagdagan

Nakapagtala ng 34,021 na pinakabagong kaso ng COVID-19 sa Pilinas nitong Enero 13.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ang pinakamataas na bilang ng mga kaso na naiulat mula nang magsimula ang pandemya sa bansa.

Umabot na sa kabuuang 3,092,409 ang bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng Coronavirus.

Nasa 237,387 naman ang aktibong kaso sa ngayon; 7,332 dito ay asymptomatic, 225,408 naman ang mild, 1,468 ang malala, at 298 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 4,694 ang gumaling na umabot sa kabuuang 2,802,286. Habang nasa kabuaang 52,736 naman ang dami ng mga namatay matapos masawi ng 82 indibidwal.

Samantala, ayon sa research group na OCTA, nakararanas ngayon ang Metro Manila ng severe Omicron outbreak na mayroong 111.80 na average daily attack rate (ADAR).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?