48

May 6, 2020 @ 22:00
By

DOH: Avigan ng Japan, susubukan sa 100 COVID patient

Gagamitin sa may 100 na coronavirus patient sa Pilipinas ang anti-flu medication na Avigan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, parating na sa bansa ang libreng supply ng Avigan mula sa Japan.

Pipili aniya ang kagawaran ng mga ospital na sasali sa trial at sa ospital ay magkakaroon sila ng protocol kung paano namang pipili ng pasyente.

Lumabas sa mga clinical trial sa China na napaiksi ang recovery time ng mga pasyenteng may coronavirus dahil sa Avigan.

Sa ngayon ay may ongoing clinical trial ng Avigan sa Amerika, Italy at Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?