20

Jan 27, 2021 @ 20:40

DOH asam ang ‘herd immunity’ sa 2022

Sa loob ng isa hanggang dalawang taon ay umaasa si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na malaking bilang na ng mga Pilipino ang mabigyan ng proteksyon sa coronavirus.

“Kung sakaling dadating ang buong doses for this number of the population, hopefully, we can achieve that (herd immunity) in one to two years,” pahayag ni Vergeire sa press briefing nitong Miyerkoles.

Upang matamo ang “herd immunity” target ng gobyerno na mabakunahan laban sa virus ang may 60 hanggang 65% ng populasyon ng Pilipinas.

Sa ngayon, ani Vergeire, ay nakatuon ang DOH na mapababa ang bilang ng nagkakasakit at naoospital dahil sa coronavirus.

“Ang priority po natin ngayon ay mabawasan ang pagkakaospital, mabawasan iyong mga taong nagkakaroon ng severe disease, mabawasan po iyong mga taong nagkakasakit o nagpapakita ng mga sintomas,” sambit niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?