219

Aug 3, 2021 @ 22:07
By

DOH: 9 lungsod sa Metro Manila napasok na ng Delta variant

Siyam sa 17 lungsod sa Metro Manila ang mayroong pasyenteng may Delta variant, ayon sa Department of Health.

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay ang Malabon (4 Delta variant case), Makati (3 kaso), San Juan (2 kaso), Las Piñas (14 kaso), Valenzuela (1 kaso), Pasig (6 kaso), Mandaluyong (2 kaso), Maynila (12 kaso) at Caloocan (4 kaso)

Patuloy din aniya ang pagtaas ng COVID case sa Metro Manila, na may average daily reported case na 1,535.

Sa kabila nito, nasa low risk pa rin aniya ang healthcare utilization rate sa Metro Manila.

Kabuuang 216 Delta variant case na ang naitala sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?