20

Sep 9, 2021 @ 11:41
By

DOH: 76% ICU beds sa bansa okyupado na

Nasa 76% ng intensive care unit beds para sa COVID-19 patients ang kasalukuyang okyupado na ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa datos na inilabas ng ahensya nitong Miyerkoles, nasa high risk na ang occupancy rate ng mga ospital sa bansa.

Kasalukuyan kasing 76% ng 4,100 ICU beds sa bansa ay ginagamit na habang 74% naman sa 1,400 ICU beds sa Metro Manila ay okyupado rin.

Ayon sa ulat ng GMA News, kinokonsedirang high risk na ang occupancy rate kapag pumalo na ito sa 70% hanggang 85%.

Dagdag pa rito, nakasaad din sa datos na 56% ng 3,200 mechanical ventilators ay kasalukuyang ginagamit habang 63% naman ng 1,100 mechanical ventilators sa Metro Manila ay ginagamit din.

Sa ngayon, pumalo na sa 2,134,005, ang naitalang COVID cases sa bansa kung saan 12,571 dito ay fresh cases na inulat kahapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,