34

Sep 24, 2021 @ 17:02
By

DOH: 6K bagong COVID case bago matapos ang September posible

Posibleng sumampa sa 6,000 kada araw sa pagtatapos ng buwan ang bagong COVID case sa Metro Manila, ayon sa Department of Health (DOH).

Pero ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikita ring bababa ito sa Oktubre.

Kaya maaaring tumaas ang active case sa rehiyon ng 58,000 sa pagtatapos ng buwan, na mas mataas sa 41,000 active case noong September 23.

Samantala, sa pagtatapos naman ng Oktubre ay nakikitang bababa sa 4,450 hanggang 46,000 ang daily case at active case sa NCR.

Ani Vergeire, maaari pa itong mabago depende sa kasalukuyang sitwasyon ng pandemya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,