16

May 5, 2021 @ 13:39
By

DOH: 6 katao mula India, COVID-positive

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na anim katao mula India na dumating sa Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa online press briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga nagpositibo ay kasama ng 110 na manlalakbay na dumating mula India bago pa man ang implementasyon ng travel ban.

“Anim (Six) turned out to be positive and it is now submitted to the Philippine Genome Center for whole genome sequencing,” ani Vergeire.

Bukod sa anim na nakumpirmang positibo sa virus, binanggit din ng kalihim na may anim pang indibidual ang kasalukuyang hinahanap ng ahensya dahil sa posibilidad ng pagiging positibo nila sa COVID-19.

Noong Abril 29 sinimulan ng Pilipinas at pagsasara ng biyahe mula India, at matatapos ang naturang travel ban sa Mayo 14. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?