28

Jun 21, 2021 @ 10:47
By

DOH: 4 Pinoy nagpasok ng Indian variant sa ‘Pinas

Apat na Pinoy ang nagpositibo sa Delta (B.1.617.2) COVID-19 variant base sa nilabas na report ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ang tatlo sa Pinoy na sapol ng Indian variant ay nagmula sa MV Eastern Hope na nasa South Korea.

Matapos nilang magpositibo sa COVID-19 ay agad silang pinauwi sa Pilipinas noong June 3, dalawa sa kanila ay nakatapos na ng 10 araw na quarantine, habang ang isa ay naka-admit pa rin sa ospital.

Ang ikaapat namang kaso ay isang returning overseas Filipino na nagmula naman sa Saudi Arabia at dumating sa bansa noong May 24.

Gumaling na rin ito noong June 10, ngunit nakalagay pa rin sa striktong home quarantine dahil sa protocol ng kinabibilangang local government unit (LGU).

Bukod sa Delta variant, 14 naman ang nagpositibo sa Alpha variant, 21 sa Beta variant, at isang tinamaan ng Theta (P.3) variant, na unang na-detect sa Pilipinas.

“The DOH, UP-PGC, and UP-NIH assure the public that biosurveillance activities for the detection of COVID-19 variants shall continue amidst the increase in cases in Visayas and Mindanao. The procurement of reagents for whole genome sequencing for the rest of the year was initiated by a grant of Php 180 million by the DOH to the UP-PGC last May 2021,” ayon sa pahayag ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?