25

Nov 6, 2021 @ 14:42
By

DOH: 3rd dose, booster shot wala pang go signal

Wala pang go signal ang Food and Drug Administration (FDA) para sa paggamit ng third dose at booster shot laban sa COVID-19.

Ito ang nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa press briefing kasunod ng ulat na posibleng simulan na sa a-kinse ng buwang kasalukuyan ang paggamit ng booster shot at third dose .

Sinabi ni Vergeire na kasalukuyan pa ring sumasailalim sa evaluation ng vaccine experts ang usapin lalo na at maraming brands ng bakuna ang ginagamit laban sa COVID-19.

“We are still waiting for the revised emergency use authority that the FDA will issue. Ang huling update sa atin ng FDA, hanggang sa ngayon ay nag-e-evaluate pa rin ang ating vaccine experts,” ani Vergeire.

Mangangailangan aniya ng sapat na panahon ang vaccine experts para mapag-aralan ang lahat ng posibleng kumbinasyon ng bakuna.png gagamitin sa publiko.

“The public has to understand na marami tayong vaccine platforms na ginagamit dito sa Pilipinas, so it would take time for us to evaluate lahat ng kombinasyon kapag nagbigay tayo ng third doses or boosters,” dagdag ni Vergeire.

Bukod sa evaluation na ilalabas ng FDA, sinabi ng opisyal na maglalabas din ng rekomendasyon ang World Health Organization (WHO) kung saan dito na isasapinal ang mga panuntunan para sa pagbibigay ng third doses at booster shots sa mga mamamayan.

“We are also waiting for the completed page recommendation, this is WHO recommendation which will be issued this November. So once lumabas po iyang mga dokukentong iyan, yong evaluation, we will now finalize the guidelines for giving third doses and booster doses,” wika ni Vergeire.

Magiging prayoridad sa third dose at booster shot ang mga immunocompromised na individuals at health workers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?