7

Jan 23, 2021 @ 16:46
By

DOH: 3 pasyente sa Cebu na pinaghihinalaang may bagong COVID-19 variant, ‘under monitoring’

Tatlong pasyenteng pinaghihinalaang may bagong COVID-19 variant ang kasalakuyang mino-monitor ng Department of Health – Central Visayas (DOH-7) sa Cebu City.

Ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, DOH-7 spokesperson, isang 28-anyos na babae ang nagpositibo sa naturang variant.

Anila, dumating sa Mactan Cebu International Airport mula Dubai ang babae.

Ang 28-anyos ang naitalang pinakabagong nadagdag sa listahan ng DOH-7 para isailalim sa monitoring.

“Her samples will be sent out to PGC (Philippine Genome Center) this Monday, (Enero 25),” ani Loreche.

Una mang isinailalim sa monitoring ang dalawang lalaki na nagmula Amerika at Dubai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?