37

Sep 13, 2019 @ 10:56
By

DOF sa SSS: Palaguin ang investments para sa mga retiree

Kailangang pagandahin at isaayos ang kalidad ng investments ng Social Security System at gumamit ng modernong digital tools para bumaba ang mga gastos at mas masilbihan nang mabuti ang mga miyembro.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, tatagal ang pondo o actuarial life ng SSS dahil pinalaki ang kontribusyon ng mga miyembro at pinaigting din ang koleksyon pero marami pang trabahong kailangang gawin dahil dumadami ang mga nagreretirong magiging pensionado ng SSS, at malapit nilang malagpasan ang bilang ng mga aktibong miyembro na umaambag sa SSS.

“Over the next few years, as the larger demographic picture changes, this institution will face multifold challenges. The principal challenge remains to be prolonging the fund’s life even as retirees become an increasingly larger segment of the population,” sabi ni Dominguez sa isang speech na binasa para sa kanya ni Finance assistant secretary and spokesman Antonio Joselito Lambino II.

Sabi ni Dominguez, kailangang palakihin ng SSS ang kita nito sa pamamagitan ng improvements sa kalidad at performance ng mga investments, maging financial management at market engagement.

Nung 2018, umabot sa P212.5 bilyon ang total revenues ng SSS, 5.4% na mas malaki kaysa noong 2017. Nitong first half ng 2019, umabot naman sa P115.5 bilyon ang revenues, mas mataas nang 21% kaysa nung first half ng 2018.

“Again, only improved financial activity will convince our members that their contributions are indeed investments in the future,” sabi ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?