16

Oct 12, 2021 @ 18:13
By

DOE: Subsidiya sagot kung ‘di aprub taas-pasahe

Pag-aaralan umano ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na magbigay ng subsidiya sa mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan sakaling ‘di aprubahan ang hiling nilang pagtataas ng pamasahe.

Ang transport group na Pasang Masda ay humihirit ng dagdag na P3 sa pamasahe.

Sa kabilang dako, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hanggang P1.26 lamang ang papayagan sakaling aprubahan ang taas-pasahe.

Kaya naman, pag-aaralan ng DOE ang pagbibigay ng cash assistance sa mga tsuper at operator sakaling ‘di aprubahan ang hiling ng Pasang Masda o hindi sumapat ang aaprubahan ng LTFRB na taas-pasahe.

“Ilalapit ito sa Finance at Budget departments for the allocation of any available fund… ‘pag nagkaroon ng any available funds ididiretso sa Kongreso para magawan ng batas,” pahayag ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad.

Ang hirit na taas-pasahe ay bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?