6

Feb 7, 2021 @ 15:44
By

DOE sa publiko: Walang mapuputulan ng kuryente!

Naglabas ang Department of Energy (DOE) ng abiso sa mga distribution utility hinggil sa pagpapalawig ng “no disconnection policy” para sa mga konsumer.

Alinsunod ito sa inaprubahang rekomendasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-extend ang naturang polisiya.

“Pursuant thereto, all DUs are hereby directed to implement a no disconnection policy due to non-payment of bills falling due by March 2021 for all electricity consumers whose consumption level are within the lifeline rate set by the Energy Regulatory Commission for the DU’s franchise area,” anang DOE sa abiso.

Anila, hakbang nila ito para makatulong ang nasabing Departamento sa mga low-income consumer.

“As we grappled with the peak of Covid-19 transmissions last year, the DOE took proactive steps to help consumers, most especially those at the margins, keep afloat in the midst of grave health and livelihood concerns,” wika ni DOE Secretary Alfonso Cusi.

Hinimok naman ng DOE ang mga konsumer na may kakayahang magbayad na i-settle na ang kanilang mga bill.

“Notwithstanding, we seek the solidarity of those consumers who are capable to pay to settle their bills within the original due dates to help manage the cash flow in the energy supply chain and ensure the continuous supply of electricity.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?