15

Oct 5, 2021 @ 18:43
By

DOE sa oil companies: Suplay ng langis manmanan

Nanawagan ang Department of Energy (DOE) ngayong Martes sa mga kompanya ng langis na siguruhin ang sapat na suplay at remedyuhan ang mga posibleng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

“I am directing all oil companies in the country to ensure adequate supply, and come up with plans to mitigate possible price hikes of oil products in the coming months,” pahayag ni DOE Secretary Alfonso Cusi.

Binanggit din ni Cusi ang Executive Order No. 134 na inilabas noong 2002 na nag-uutos sa mga kompanya ng langis na magkaroon ng minimum inventory ng petroleum stock upang masiguro ang patuloy na suplay ng langis sa bansa.

Ang pagpapaalala ng ahensya ay dulot ng nanganganib na pagbaba ng suplay ng langis sa world market bunsod ng kaguluhan sa ilang bansa na producer ng langis gaya ng Venezuela at Iran.

Nitong Martes lamang ay naitala ang halos P2 pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?