64
alfonso-cusi
Oct 17, 2017 @ 17:24

DOE, may ‘balik kuryente’ plan na sa Marawi

Tiniyak ni Energy Sec. Alfonso Cusi na agad na sisimulan ang pagsasaayos ng kuryente sa Marawi City kapag idineklara nang ganap na ligtas ang lungsod.

Banggit pa ni Cusi, maaaring isagawa nila sa lungsod ang energy resiliency policy na kanila nang ipinapaliwanag sa pamamagitan ng public consultations.

Aniya, napakahalaga ng naturang polisiya sa Mindanao dahil madalas na may mangyaring kalamidad sa rehiyon.

“The policy will help us guide the massive restoration and rehabilitation efforts of energy facilities in Marawi City,” ani Cusi.

Dagdag pa nito, malaking tulong sa pagbangon ng lungsod ang “Adoption of Resiliency and Program in the Energy Industry to Mitigate Adverse Effects Brought About by Disasters”.

Aniya, ito’y base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang kamalayan ng mamamayan ukol sa paghahanda sa kalamidad. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?