By

DOE, mali ang kuwenta sa presyo ng petrolyo

Sharing is caring!

Binatikos ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang Department of Energy dahil sa walang-tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Zarate, nagkukunwari lang ang DOE na walang magawa sa patuloy na oil price hikes pero ang totoo ay mali o luma ang formula na ginagamit nito sa pagkukwenta ng presyo ng langis.

Sa kuwenta ng Bayan Muna, nasa 13 pesos ang discrepancy sa presyo ng langis.

“Even if we study the computations earlier submitted by the DOE we can see that their formula is so obsolete that their computation is way off the actual oil price by at least P13,” sabi ni Zarate.

Kaugnay nito, pinamamadali ng kongresista sa DOE at mga kumpanya ng langis ang pagsusumite ng data para matingnan ang totoong presyo ng langis sa bansa.

“The DOE is just making excuses that they do not know or that they cannot summon the data needed to compute the real price of oil in the country. All the data we need can be summoned by the DOE secretary under Sections 12 and 15 of the Oil Deregulation Law,” paliwanag ni Zarate.

“What is happening though is that the DOE seems to be the spokespersons and lawyers of the Big 3 with the continuing price hikes,” reklamo ng mambabatas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?