33

Jan 3, 2018 @ 16:53
By

DOE magsasagawa ng audit sa stocks ng langis ng oil companies

Magsasagawa ang Department of Energy (DOE) ng audit sa stocks ng mga produktong petrolyo ng mga kompaniya ng langis.

Ito, ayon kay Energy Usec. Wimpy Fuentabella, ay para malaman kung hanggang kailan tatagal ang kanilang stocks bago magpatupad ng taas-presyo base sa bagong tax reform package ng gobyerno.

Aniya, may iba pa namang dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kasabay nito, pinagsusumite ng kagawaran ng stock inventories ang mga oil companies at may ilan na nagsumite na.

Nabatid na magsasagawa rin ng random check ang DOE team sa mga refinery, depot at retail level, kung tama ang ipinapatong na excise tax.

Nauna nang inatasan ng Bureau of Internal Revenue ang oil firms na magsumite ng records ng importation/production ng kanilang produkto na papatawan na ng excise tax habang ang mga dating stock ay hindi kasama sa mapapatawan ng bagong buwis. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?