21

Oct 20, 2017 @ 17:11

Dodgers pinadapa ang Cubs, pasok na sa World Series

Nagsilbing hero ang outfielder ng Los Angeles Dodgers na si Enrique Hernandez para bitbitin ang koponan sa kanilang unang World Series matapos talunin ang defending champion Chicago Cubs kanina.

Pumalo ng tatlong homerun si Hernandez at tumulak ng record na pitong runs habang naging matulis naman ang mga pitching ni Clayton Kershaw para hablutin ang panalo sa score na 11-1 sa Game ng NL Championship Series kanina.

Matapos ang ilang taong pagkatalo sa playoff, walang nakapigil sa Dodgers.

Nagsanib puwersa ang pitching staff at co-NLCS MVPs na sina Justin Turner at Chris Taylor para kunin ang kanilang NL championship sapul noong 1988.

Hihintayin ng Dodgers sinuman sa New York Yankees o Houston Astros para sa Game 1 ng Word Series na uumpisahan sa Martes ng gabi.

Lamang sa serye ang Yankees 3-2 sa ACLS patungo sa Game 6 na gaganapin sa Houston. Isang panalo lang ang kailangan ng New York para makapasok sa Word Series at muling mabuhay ang rivalry sa pagitan ng Yankees at Dodgers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?