46

Oct 20, 2017 @ 13:05

Documentary evidence sa impeachment nina Bautista, Sereno, tatalupan ng Kamara

Pag-aaralan ng House Committee on Justice ang documentary evidence na isinumite ni Atty. Manuelito Luna kaugnay ng impeachment complaints laban kina Comelec Chairman Andres Bautista at Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Para kay Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, welcome development ang intensyon ni Luna, abogado ni dating Cong. Jacinto Paras at ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), na tumulong sa pagpapalakas ng articles of impeachment laban kay Bautista.

Binubuo na ng komite ni Umali ang articles of impeachment laban sa Comelec chairman na nakatakdang isalang sa deliberasyon sa Martes.

“I believe these documents deserve scrutiny from us to strengthen the articles of impeachment we are now drafting against Comelec chairman

Bautista. This is a welcome development,” ayon kay Umali.

Sa kaso naman ni Sereno, sinabi ni Umali na handa rin nilang busisiin ang mga dokumento lalo na kung tatanggapin ang mga ito ng impeachment complainant na si Atty. Larry Gadon.

Nasa proseso na ng determination of probable cause ang reklamo laban kay Sereno.

“It’s time to see the contents of these documents as we are now determining the probable cause on the impeachment complaint against Chief Justice Sereno. I believe my colleagues want to see these evidence and we will look prudently on these,” ayon kay Umali.

Una rito, isinumite ni Luna sa komite ang mga dokumento mula sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) na magpapatunay umano na may ill-gotten wealth si Bautista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?