33

Nov 7, 2021 @ 21:52
By

Docu tungkol sa Ilocos Region kinilala sa Croatia

Wagi ng “Best Film on History and Heritage” sa 2021 Croatia Tourism Film Festival ang isang dokumentaryo tungkol sa turismo ng Ilocos.

Ang dokumentaryo ay pinamagatang ‘Know You Worth,’ kung saan tampok ang iba’t-ibang UNESCO Heritage Site sa Ilocos Region, gaya ng mga bahay Espanyol sa Vigan at mga simbahan ng Paoay at Sta. Maria.

Ilan pa sa mga parangal na nakuha ng dokumentaryo sa film festival ay ‘Best Film’ at nanomina rin ito sa ‘Best in Cinematography.’

“The historic city of Vigan and the baroque churches of Paoay and Sta. Maria in the Ilocos region are among a handful of World Heritage Sites designated by UNESCO in the Philippines” saad sa caption ng video.

Ito ay naisagawa sa direkson ni Gabriel Malvar, na nagpasalamat naman sa lahat ng kumilala sa kanyang obra.

“I’m very thrilled and very honored to be a finalist of this year’s festival, of this year’s program,” aniya. “I’m so glad that there are festivals like this that actually help promote tourism and specialize festivals that actually cater to this kind of film-making.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?