15

Apr 15, 2021 @ 16:15
By

‘Doctor Stranger’ star Kang Sora nanay na

Pinanganak na ni South Korean actress Kang So-ra ang kanyang panganay!

Kinumpirma ito ng representative ng kanyang talent agency na Plum Entertainment, sa ulat ng Allkpop.

Ayon sa representative, isinilang ng 31-anyos na “Doctor Stranger” star ang isang malusog na baby girl, Abril 12 ng umaga.

Malusog din aniya si Kang at nagpapahinga habang nagdiriwang kasama ang kanyang pamilya.

Kinasal ang “Revolutionary Love” star sa isang non-showbiz Korean medicine practitioner noong Agosto 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?