33

Aug 4, 2020 @ 20:11
By

Doctor group: Itigil na Duterte-style lockdown

Panawagan ng isang grupo ng mga healthcare professional na dapat ay wakasan na ang ‘Duterte-style’ ng community quarantine sa pagpasok ng Metro Manila sa striktong lockdown.

Saad ng grupong Second Opinion, nararapat na ‘medical quarantine’ ang ipatupad sa bansa, kung saan ang medical community ang mamumuno kung saan may klarong health goal.

“We join our colleagues in the urgent, real, and valid demand for a “time out” amid the rising tide of COVID-19 cases. However, we advise against reverting back to any Duterte-style enhanced community quarantine (ECQ) or lockdown,” ayon sa grupo.

“If we are to implement a quarantine, it must be a MEDICAL QUARANTINE, with healthcare workers in the lead and with clear health goals and outcomes,” lahad pa.

Nagbigay ng anim na pillar ang naturang grupo para maayos ang healthcare system ng bansa, una dito ay ang leadership kung saan hiniling nila na sibakin na si Health Secretary Francisco Duque III, pati na rin ang mga dating heneral at mga ‘czar’ sa Inter-Agency Task Force, at hiniling na ipalit ay iyong may mga alam sa medical field.

Pangalawa ay ang pagpapalawig ng health worker sa bansa, kung saan anila ay dapat kumuha ng 10,000 doktor at 20,000 nurse at mabigyan ang mga ito ng sapat na sahod, benepisyo at proteksyon.

Ilan pa sa mga sinama ng Second Opinion ay ang health financing, service delivery, health technology at health information.

“Taking these six steps will put us in a better footing to protect our health workers as they try to save more lives. These also allow room for health workers to gather themselves, breathe, and be reinvigorated even as more long-term interventions are being put in place,” sambit pa ng grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?