259

Sep 23, 2021 @ 12:43
By

Doc Willie wala mapintas kay Duterte

Wala umanong nakikitang problema si vice presidential candidate Dr. Willie Ong sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“At the start of his term yes, even until now I have no problem. he’s the President for 6 years so why should we not support him? If I want to change something, I’ll keep it to myself because I’m not being asked,” pahayag ni Ong.

Si Duterte ay makakalaban ni Ong sa pagkabise presidente.

Para rin sa doktor, ginagawa ng kasalukuyang pamahalaan ang kanilang makakaya para labanan ang pandemya.

“I think they’re doing their best but I have other ideas. May kanya-kanyang style eh,” aniya.

Bukod dito, kahit pa binanatan kamakailan ng pangulo si ang kanyang running mate na si Mayor Isko Moreno, sinabi ng doktor na wala siyang babatikusin.

“I told Mayor Isko I will not bash anyone, I will be myself and I’m very firm on that,” wika pa ni Ong.

Ayon sa doktor, ‘di niya papansinin ang iba sapagkat ang pandemya ang tunay na kalaban.

“I keep my eye on the ball. I’m not competing against them, we’re fighting against COVID. It’s a medical problem not a political problem,” ayon pa kay Ong. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?