737

Apr 24, 2019 @ 20:58
By

Doc Willie Ong rumesponde sa naaksidenteng naka-motor

Hinangaan ng mga netizen ang kabutihan ni senatorial candidate Doc Willie Ong matapos tulungan ang isang babaeng backrider na tumilapon sa kalsada.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Doc Willie ang nangyari.

Aniya, tamang-tama umano at napadaan sila ng kanyang asawa na si Doc Liza sa grabeng aksidente sa EDSA nitong Miyerkoles.

Siya umano ang nagbantay sa angkas na babae na mas malala ang pinsala matapos tumilapon sa motorsiklo habang si Doc Liza ang sumaklolo sa lalaking rider.

Hindi umano niya sinakay sa kotse ang babae dahil dumaing ito ng sobrang pananakit ng likod kaya naghintay siya ng spine board.

Isa sa follower niya ang nagbigay ng payong sa kanya habang hinihintay nila ang ambulansiya na mahigit isang oras dumating dahil sa trapik.

Nakabantay umano siya sa babae dahil nagloloko ang tibok ng puso nito.

Kasalukuyan na umanong nasa QC Hospital ang mga biktima.

“Naisip ko paano kung bigla mamatay sya sa kakahintay ng ambulance. Gusto ko sakay sa kotse ko pero SOBRA daw sakit ang upper back at dibdib niya. Kaya hinintay ko ang Spine Board…pero kung magloloko ang PULSO nya, baka isakay ko na… Cardiologist kasi ako,” sabi ni Ong.

Komento tuloy ng mga netizen, karapat-dapat umanong iluklok sa Senado si Ong dahil sa busilak na puso nito.

永井 ミla MILLS: Karapat dapat k talaga sa bayan PILIPINAS DOC. WILLIE,saludo po Kami syo “GOD” bless po (ang layo Po talaga ng bike from the girl).

Louie Loida Millan: Kailangan talaga si Doc willy sa atin bansa sana paiki usap ilkagan sa senado si Doc Willy.

Rhia Lim: Doc Willie Ong u r d instrument of GOD for d people.hindi masasayang ang mga boto namin sau…OFW’s loves u!watching from kuwait.

Jnln Jade Toretto: Maasahan po tlga kayo doc kea #1 po kayo sa amin sa botohan godbless po.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?