46

Jan 14, 2022 @ 15:52
By

Doc Willie Ong positibo sa Covid

Inanunsyo ng vice presidential aspirant na si Dr. Willie Ong na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa Facebook live ni Ong nitong Biyernes, ipinaalam niya ang kaniyang kalagayan.

“Medyo bad news. Tinamaan tayo ngayon (ng COVID-19). Wala na akong boses… Almost mga day two po ako ngayon ng COVID. Positive tayo sa swab antigen,” pahayag ni Ong.

Aniya, kahit na nag-iingat siya kapag lumalabas ay hindi pa rin siya nakaligtas sa bagsik ng Omicron variant.

“Actually, maingat naman talaga ako. Lagi akong naka-N95 always pag lumalabas pero parang matindi talaga ‘tong Omicron, matindi siya pumasok,” ani Ong.

Sa ngayon, naka-quarantine na si Ong sa kaniyang bahay at nagpapagaling na sa pag-inom ng ilang gamot kabilang ang Molnupiravir.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?