166

Oct 10, 2017 @ 15:25

Doblehin ang buwis sa tabako – Pacquiao

Sa kagustuhang maproteksyunan ang kalusugan ng mamamayan, isinusulong ni Senador Manny Pacquiao ang mas mataas na pagbubuwis sa tobacco.

“Human body is sacred. We should not destroy or desecrate it,” saad ni Pacquiao.

Sa kanyang Senate Bill 1599, iginiit ni Pacman na doblehin ang tax rate ng sigarilyo na mula P30 ay gawing P60 bawat pakete.

Bukod pa ito sa pagtataas ng taunang excise tax na mula 6 percent ay gagawing 9 percent.

Iginiit ni Pacquiao na napatunayan na sa Sin Tax Reform Act (RA 10351) na epektibo sa pagbabawas kung hindi man tuluyang mapatigil ang paninigarilyo ang dagdag na buwis sa mga produktong ito.

Hiniling din ni Pacman kay Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara na isama ang kanyang panukala sa Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN). (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?