191

Oct 22, 2017 @ 17:05

Doble-sahod ng mga sundalo, ilulusot sa Kongreso

Tiniyak ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na aaprubahan ng Kongreso ang pangako ni Pangulong. Rodrigo Duterte na dobleng sahod para sa mga pulis at sundalo.

Ayon kay Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations, karapat-dapat lang na tumanggap ng dagdag na mga benepisyo ang sundalo’t pulis matapos mapatay ang teroristang sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

“Our men and women in uniform proved in the battle of Marawi that they deserve this salary hike. They managed to contain the threat posed by Maute terrorists within the city, neutralize its keys leaders and retake the city,” sabi ni Nograles.

Sabi ng Department of Budget and Management (DBM), naendorso na ng Malakanyang sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang draft resolution para maging opisyal ang 100 porsiyentong taas-sweldo para sa mga kagawad ng Armed Forces of the Philipines(AFP) at Philippine National Police(PNP).

Sabi ni Nograles, agad nilang tatalakayin at aaprubahan ang draft resolution pagbalik ng sesyon sa Nobyembre 13, matapos ang isang buwang bakasyon.

“The House of Representatives led by Speaker Pantaleon Alvarez has been keeping a close eye on the resolution for the salary hike, and we guarantee to make President Duterte’s promise a reality,” ayon kay Nograles.

Dagdag pa ng mambabatas, nakakasang ipatupad ang dagdag sahod simula sa Enero 2018.

Matatandaang tiniyak ni Nograles sa deliberasyon ng panukalang P3.767-trillion national budget na may pondo para sa pagtataas ng sweldo ng mga sundalo at pulis.

Kukunin anya ang pera mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund o MPBF. Gagamitin para dito ang P24.9 billion mula sa P84.4 billion MPBF para sa 2018z

Bukod pa ang halagang ito sa P61.4 billion na inilaan para sa third trache ng salary increase para sa mga empleyado ng gobyerno sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL). (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?