18

‘Doble bukol’ sa mga motorista nakaamba

Asahan na ang malupit na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Ang dagdag presyo, ayon sa mga eksperto sa industriya, ay mag-uugat sa paghataw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan sa $59- 60 kada bariles.

Ito’y posibleng magbunga ng karagdagang P2 kada litro sa krudo at P1.30 naman sa gasolina, samantalang P1.75 sa kerosene o gaas.

Inaasahan na ipapatupad ng mga kompaniya ng langis ang taas-presyo sa Martes, kung kailan posibleng sumabay ang pagpapatong ng panibagong excise tax sa mga prdoduktong petrolyo.

Base sa TRAIN Law, maaaring umabot sa P2 ang madaragdag pa presyo ng kada litro ng gasolina at krudo.

Unang inanunsiyo ang pagsuspinde sa panibagong fuel excise tax, ngunit nagbago ang isip ng mga ekonomista ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa serye naman ng pagbagsak ng presyo ng langis.

Nagbunga rin ito sa pagbawi sa karagdagang pasahe sa mga pampublikong sasakyan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?