75
Do-or-die! Magnolia puwersado vs Ginebra

Do-or-die! Magnolia puwersado vs Ginebra

Nakahinga pa ang Magnolia Hotshots matapos paluhurin ang mahigpit na karibal na Barangay Ginebra.

Sa Game Two ng quarterfinals match sa 2019 PBA Philippine Cup, nakatabla ang Magnolia sa Gins, 107-77, para maihirit ang do-or-die decider sa parating na Martes.

Nagsimula ang Hotshots sa 11-0 run, matapos ay hindi na nakabangon pa ang Ginebra.

Naganap ang kinatatakutan ni Gin Kings coach Tim Cone sa tuwing maglalaro sa Big Dome matapos mapag-iwanan sa pinakamalaking 31 puntos sa huling 8:20 ng laro, 87-56, tungo na sa pagkalasap ng kabiguan sa tinaguriang laro na “Manila Classico.”

“Na-challenge ‘yung mga players ko. Pinagusapan namin ‘yung spirit namin at passion namin nung Game One, it’s not the Magnolia Hotshots basketball. Nakita naman nila sa film,” saad ni Magnolia mentor Chito Victolero.

Pinangunahan ni Ian Sangalang ang opensa ng Magnolia sa natipong 21 markers, katuwang si Jio Jalalon na may 17 puntos, 6 rebounds at 5 assists para tanghaling best player ng laban.

Sa Ginebra naman tanging si Sol Mercado lang ang nakaarya ng double digit score, 13 puntos ang sinalampak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?