53

Aug 10, 2018 @ 11:55
By

DND: Moroccan national, posibleng nasa likod ng pagsabog sa Basilan

Isa umanong banyagang terorista ang may kinalaman sa pagsabog ng van sa Lamitan City, Basilan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, 80 porsiyento umano batay sa kanilang intelligence na isang Moroccan national mula sa Abu Sayyaf ang suspek sa pagpapasabog.

Batay din sa mga nakasaksi, banyaga ang suspek at hindi marunong magsalita ng Inggles o lokal na lengguwahe.

Iginiit naman ng kalihim na miyembro ang suspek ng Abu Sayyaf at hindi ng Islamic State (ISIS).

Sa kanila ring intelligence reports, nakabase sa Sulu bago nagtungo sa Basilan ang suspek.

May nakuhang larawan sa Sulu na isang foreign-looking guy na may dalawang kasamang bata na anak umano nito. ‘Yung isa ay namatay habang sugatan naman ang isa at gusto umanong maghiganti ng suspek sa pagkamatay ng anak niya.

Kinumbinsi umano ng suspek ang Abu Sayyaf na magsagawa ng suicide bombing pero wala itong nahikayat.

Sa ginawang Army checkpoint sa puting van bago ang pagsabog, may dala umanong pampasabog ang banyaga.

“That time siguro suicide bombing na siya kasi wala na siyang magawa, mahuhuli na siya. So nag-suicide na lang siya. But that was not the intention siguro. Ang intention niya dalhin ‘yung vehicle sa isang lugar na maka-inflict ng maximum casualty. Kaya lang nahuli na siya,” ani Defense Sec. Delfin Lorenzana. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?