41

Dec 21, 2017 @ 16:19
By

DND, inanunsiyo na ang unilateral ceasefire sa CPP-NPA

Inanunsiyo na ng Department of National Defense (DND) ang deklarasyon ng Armed Force of the Philippines (AFP) ng unilateral ceasefire sa CPP-NPA ngayong Pasko at Bagong Taon alinsunod sa direktiba ng Pangulo.

Ayon kay DND spokesman Arsenio Andolong, na ang unilateral ceasefire ay magiging epektibo alas-sais ng gabi ng Disyembre 23 hanggang alas-sais ng gabi ng Disyembre 26, 2017 at alas-sais ng gabi ng Disyembre 30 hanggang alas-sais ng gabi ng Enero 2, 2018.

Nanawagan ang DND sa mga lumalaban sa mga pamahalaan at sa mga gumagawa ng kasamaan sa mga Pilipino na gamitin ang panahon na ito para magmuni-muni at seryosong pag-isipan ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Sa pagpapairal ng tigil-putukan, inatasan din ang lahat ng sundalo na manatiling mapagbantay at tiyakin ang kanilang kaligtasan sa kani-kanilang areas of responsibility.

Kasabay nito, hinimok ng DND ang mga mamamayan na makipagtulungan sa mga awtoridad para matiyak ang kapayapaan at seguridad sa lahat ng mga komunidad. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?