59

Dec 20, 2017 @ 15:38
By

DND chief kontra sa SOMO laban sa CPP-NPA

Susunod ang hanay ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sa utos ng pangulong Rodrigo Duterte magpatupad ng Suspension of Military operation sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front ngayong panahon ng Pasko at Bagong taon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kung siya ang magdedesisyon ayaw niyang magkaroon ng SOMO sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.

Pero kung ito ang desisyon ng Pangulo ay kanila umano nila itong susundin.

Sinabi naman ng Philippine National Police na agad silang magpapalabas ng memorandum para ipatupad ang ipinagutos ng Pangulo na unilateral Ceasefire sa CPP-NPA-NDF ngayong Pasko at Bagong taon.

Ito ay ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. Dionardo Carlos matapos ideklara ng Pangulo kagabi ang suspension of military operations mula Disyembre 24 hanggang Enero 2, 2018.

Ang hakbang ng Pangulo ay upang mabawasan ang pag-aalala ng publiko ngayong kapaskuhan.

Siniguro ni Carlos na agad din nilang ipapaalam sa pamamagitan ng ilalabas na memorandum circular sa lahat ng field units ng PNP ang pagpapatupad ng unilalteral ceasefire. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?