89

By

DNA mula sa gunting na ginamit kay Silawan, tumugma sa suspek

Nag-match sa self-confessed suspect ang DNA samples na kinuha sa gunting na ginamit sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP), na nagpositibo ang DNA na kinuha sa gunting kay Silawan at sa suspek na si Renato Llenes, 42, sa isinagawang eksaminasyon ng PNP Crime Laboratory, batay sa Inquirer report.

Matatandaang inamin ni Llenes na gumamit siya ng gunting para saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Silawan at ito rin ang ipinambalat niya sa mukha ng dalaga.

Noong Marso 11 natagpuan ang bangkay ng 16-anyos na si Silawan sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu, Cebu.

Wala itong saplot pang-ibaba, balat ang kalahati ng mukha at tinanggalan din ng lamanloob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?