250

Feb 8, 2019 @ 21:32
By

DNA laboratory binuksan sa Davao City

Hindi na umano kailangan pang magdala ng DNA samples sa Camp Crame sa Quezon City dahil nagbukas na ng unang DNA laboratory sa hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nakalipas kasing mga taon, sa PNP headquarters sa Camp Crame lang maaaring isagawa ang proseso ng DNA dahil dito lang mayroong DNA testing equipment.

Kumpleto umano sa pasilidad ang naturang laboratoryo na kaya ang DNA testing requirements gaya ng sampling at extraction area, amplification room at genetic analyzer.

Maliban umano sa DNA laboratory, mayroon ding bullet comparison microscopes para naman sa pagtukoy sa mga armas, ballistic examination at automated fingerprint scan para sa fingerprint identification system.

Nagkakahalaga umano ang DNA test ng P20,000 kada sample at ang resulta ay makukuha matapos ang dalawa hanggang tatlong buwan.

Ayon sa head ng PNP crime laboratory na si Chief Supt. Rolando Hinanay, malaki umano ang magagawa ng DNA examination sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga suspek lalo na sa mga insidente ngayon ng pambobomba sa iba’t ibang panig ng Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?