19

Sep 23, 2017 @ 16:54

DLSU, Mbala babanggain ng Maroons

Lalong bumangis ang defending champion De La Salle University sa pagbabalik ni Ben Mbala.

Sa unang laro ni 6-foot-7 Mbala sa 80th UAAP basketball tournament ay nangalabaw agad ito ng 32 points para bitbitin ang Green Archers sa pangatlong sunod na panalo kontra Adamson 85-73 noong Miyerkules.“As expected. Kahit naman kayo, alam niyong ganun gagawin ni Ben (Mbala),” hayag ni head coach Aldin Ayo.

Si 6-foot-7 Mbala pa rin ang nasa unahan pagharap ng DLSU sa UP sa second game ngayon sa Mall of Asia Arena.

Magkasalo sa tuktok ang Green Archers at Ateneo sa 3-0.

Wala si Mbala sa unang dalawang salang ng DLSU dahil naglaro siya sa national team ng Cameroon sa 2017 FIBA Afrobasket sa Tunisia.

Duduplikahin ng Fighting Maroons ang panalo sa kanilang huling laro upang lumapit lalo sa unahan.

May 2-1 card ang UP, kabuhol sa third ang NU.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?