68
lady-spikers
By

DLSU Lady Spikers hinapit ang 3-peat!

Sharing is caring!

Maningning na umeksit sa panlima’t huling taon nilang paglalaro sina opposite hitter Kim Kianna Dy, middle blocker/team skipper Mary Joy Baron at libero Dawn Nicole Macandili nang tudlain ng De La Salle University ang Far Eastern University, 26-24, 25-20, 26-24, sa Game 2 ng finals at makopo ang 80th UAAP women’s volleyball title sa Big Dome kanina (Mayo 2).

Gaya sa best-of-3 series opener noong Sabado, lumutang ang malalim at malawak na karanasan ng DLSU Lady Spikers upang mawalis ang kulang doong FEU Lady Tamaraws at masakote ang pangatlong grand slam at ika-11 titulo sa 18 finals stint sa liga.

Unang naka-3-peat ang Taft-based volleybelles noong 2003 hanggang 2006 at 2010–13, lahat ng korona’y minanduhan ni coach Ramil de Jesus sapul noong 1997.

Si Macandili ang hinirang na Finals MVP maski bokya sa puntos at kahit na si Dy ang nagbalikwas sa mga Lasalista mula sa 21-24 down sa malutong na kambal na hits upang mahablot ang opening frame at kontrolin na ang hambalusan.

Pumalaso si Dy ng 15 attacks, 2 kill blocks at service ace pa-18 points.

Siya rin at si reserve May Luna ang instrumento sa 29-27, 25-21, 25-2 first win sa serye.

“We want to show to our coach (De Jesus) that after 5 years, these are the players he produced,” ani Dy, patungkol sa kanya at pa-graduate na ring sina Baron at Macandili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?