243

By

DLSU Lady Spiker Cheng bumanat sa mga basher

Hindi nakatiis si De La Salle Lady Spiker Desiree Cheng at pinatulan ang ilang basher sa kanyang Twitter account.

“[It’s] 2019, I hope na mag upgrade narin yung mga bashers yung tipong magbabash sila their OWN account hindi ung dummy account lang hehe,” pahamon na tweet ng graduating player at UAAP Season 80 Best Server awardee.

Sumang-ayon naman kay Cheng ang dating Ateneo Lady Eagle na ngayo’y isa nang Lady Spiker na si Michelle Morente sa pamamagitan ng pag-tweet ng “Truth”.

Inaasahan na magiging maganda ang pagtatambalan ng dalawang star players na si Cheng at Morente dahil kanilang magandang pagsasamahan at kanikang swag attitude.

Kasalukuyan pa rin ang paghahanda ng DLSU Lady Spikers para sa preparasyon ngayong paparating na bagong season ng UAAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?