45

Oct 11, 2017 @ 10:55

DLSU four-peat sa table tennis

Tatlong laro ang hinataw ng De La salle para paamuin ang University of Santo Tomas at manatiling reyna sa UAAP Season 80 women’s table tennis tournament sa UP CHK Gym.

Matapos yumuko sa championship opener 3-2 at makalsuhan ang 14-game winning run, bumangon agad ang Lady Paddlers para gilitan ang Tigresses 3-1 at sikwatin ang four-peat.

Hinamig ni Emy Rose Dael ang pangalawang sunod na MVP award, habang nabigyan sina Jamaica Sy at Mardeline Carreon ng masayang grand send-off sa kanilang collegiate careers.

Naging inspirasyon ng De La Salle sa kanilang kampanya si Ian Lariba, na na-diagnose ng Acute Myeloid Leukemia (AML) noong nakaraang May at patuloy na nagpapagaling sa hospital.

Malaki ang ambag ni Rio Olympian Lariba sa Lady Paddlers dynasty at kasama siya sa coaching staff ng nakaraang season.

Hinirang si Joana Chen ng Ateneo na Rookie of the Year.

Sa men’s division, tinuldukan ng National University ang pamamayagpag ng UST matapos paluin ang 3-1 victory sa Finals decider upang ibulsa ang kauna-unahang men’s title.

Si John Misal ng Bulldogs ang season MVP. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?