59

Oct 11, 2017 @ 10:43

DLSU, FEU salpukan sa Araneta

Mga laro sa ngayon (Smart Araneta Coliseum)
2:00 p.m. – UP vs UST
4:00 p.m. – DLSU vs FEU

Inilabas ang second round schedule ng 80th UAAP basketball tournament kamakalawa at sa Nobyembre 12 sa Smart Araneta Coliseum ang muling paghaharap ng mahigpit na magkaribal na Ateneo at De La Salle.

Masaklap ang pagkatalo ng defending champion Green Archers sa Blue Eagles 76-75 noong Linggo dahil mananalo na lang ang Taft-based squad ay napurnada pa.

Ngayon nais ng Green Archers na mag move on sa nangyari at isipin ang FEU ngayong hapon sa Big Dome.

“Salang na agad kami sa second round at least di malala yung sakit,” ani Kib Montalbo. “Babawi talaga kami. We’ll get that victory.”

Nakatambay ang La Salle at Adamson sa No. 2 sa 5-2 records, solo sa unahan ang last year’s runner-up Blue Eagles (7-0).

Magtatapat sa unang sultada ang UP (3-4) at UST (0-7).(Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?