13

Sep 13, 2021 @ 22:11
By

Djokovic tiklop kay Medvedev

Sinungkit ni Daniil Medvedev ang unang major title makaraang sorpresang walisin si world no. 1 Novak Djokovic sa 141st US Open men’s singles finals sa Arthur Ashe Stadium, New York nitong Lunes (Manila time).

Umiskor ang world No. 2 at 25-year-old Russian netter ng 6-4, 6-4, 6-4 win para maibagahe ang unang Grand Slam crown, kasabay sa pagsawata sa calendar-year Grand Slam bid ng 34-anyos na Serbian.

Naging bentahe ni Medvedev ang service sa hinambalos na 16 aces kumpara sa anim lang ng 20-time Grand Slam titlist.

Saludo pa rin si Medvedev kay Djoko, “I never said this to anybody, but I’ll say it right now. For me, you are the greatest tennis player in history.”

Tinugon naman siya ng Serbian: “If there is anyone who deserve a Grand Slam title right now, it’s you.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?