novak
By

Djokovic sibak agad

Sharing is caring!

Maagang nasibak ang tennis superstar na si Novak Djokovic nang pataubin ni Kyle Edmund, 6-3, 2-6, 6-3, Miyerkoles sa 2nd round ng Madrid Open sa Madrid, Spain.
Ito na ang ika-anim na sunod na torneo kung saan nabigo ang Grand Slam Champion na makatungtong sa quarterfinals.

Ayon kay Djokovic, mas hirap siya ngayong taon dahil sa agaran niyang pagbabalik sa laro sa kabila ng iniinda niyang right elbow injury.

Matatandaan na napataob din si Djokovic sa third round ng Monte Carlo Masters at sa second round ng Miami Open at Indian Wells.

Sa unang set pa lang ay hindi na maganda ang laro ni Djokovic bagama’t naipanalo nito ang second set, hindi pa rin sapat para gibain si Edmund na nagkamada ng 5 sunod na puntos sa third set para makabalik mula 0-40.

“I just felt good today; I felt I was hitting the ball well,” ani Edmund. I just knew that if I put myself in the match hopefully in the closing stages I would give myself a chance,” aniya pa.

Makakaharap ni Edmund ang eight-seeded na si David Goffin na nilampaso si Robin Haase sa magkasunod na set, 7-5, 6-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?