57
Djokovic nasungkit ang ikatlong Madrid Open title
May 13, 2019 @ 14:30
By

Djokovic nasungkit ang ikatlong Madrid Open title

Pinatunayan ni Novak Djokovic na karapat-dapat siyang maging World No. 1 netter nang magkampeon sa Mutua Madrid Open ATP Masters 1000 nitong Lunes ng madaling-araw (Manila time).

Pinataob ng Serbian player si 20 taong gulang Stefanos Tsitsipas 6-3, 6-4 para makasungkit ang ikatlong Madrid Open title.

Ito ang ikalawang kampeonato ni Djokovic ngayong season, una ang Australian Open nitong Enero.

“I feel like this tournament win was very important for my level of confidence because after the Australian Open, I wasn’t playing my best. I wasn’t finding the right game and the consistency on the court in Indian Wells, Miami and Monte Carlo,” wika ni Djokovic.

Para pa sa kanya, malaking confidence-boosting ang pagkapanalo lalo pa’t papalapit na ang French Open (Roland Garros) Grand Slam tournament.

“(It’s a) very important time for me in the season because this gives me a lot of confidence prior to Rome and, of course, Roland Garros, where I definitely want to play my best,” kwento pa ni 31-year-old Djokovic.

“These are the best tournaments, biggest tournaments we have in our sport, in the ATP, of course alongside the Grand Slams, this is as important and as good as it gets.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?