70

By

Djokovic napaluha sa tribute kay Kobe

Hindi napigilan ni Novak Djokovic ang maluha sa kanyang pag-alala kay NBA legend na si Kobe Bryant.

Matapos magwagi kontra kay Milos Raonic, nagsuot si Djokovic ng green jacket na may letrang K B at numerong 8 at 24 sa bandang dibdib nito, may pulang pusa sa ilalim ng numero.

Sa interview kay Djokovic, naitanong sa kanya ang pagkakaibigan nila ni Bryant.

“He was one of the greatest athletes of all time. He inspired myself and many, many other people around the world,” saad ng tennis great. “I had the good fortune to have a personal relationship with him over the last 10 years. When I needed some advice, some support, he was there for me.”

“He was my mentor, my friend. And it’s just heartbreaking to hear what has happened to him and his daughter.”

Kinailangan tumigil muna ni Djokovic sa pagsasalita dahil naging emosyunal ito bago nakapagsalita muli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?