2

Djokovic binasura si Lajovic sa Monte Carlo

Sharing is caring!

Nagpakita ng sintomas ng kanyang pagbabalik ang dating world No. 1 na si Novak Djokovic matapos nitong walisin si Serbian Dusan Lajovic, 6-0, 6-1, sa Monte Carlo Masters first round nitong Lunes.

Impresibong laro ito mula sa 30-anyos, na unang laban niya matapos humiwalay kay coach Andre Agassi at kunin ulit ang dating coach na si Marian Vajda.

Nakapuwesto na ika-13 sa world rankings si Djokovic bago mawala sa eksena dahil sa injury sa kanang siko.

“The pain was a huge factor that was affecting my overall state, my mind,” ani Djokovic.

“A lot of things had to be left aside, compensated because the elbow was not healed.

“But today, you know, (I’m) pain-free,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?