9

Feb 23, 2021 @ 9:35

DJ duo Daft Punk nabuwag na

28 taon matapos mabuo, nag-disband na ang kilalang French DJ duo na Daft Punk.

Inanunsiyo nila ang kanilang paghihiwalay sa isang YouTube video noong Pebrero 22 na pinamagatang “Epilogue,” kung saan makikitang tinulungan ng isang miyembro na sumabog ang isa pa — isang eksena sa kanilang 2006 movie na “Electroma.”

Kinumpirma rin ito sa Pitchfork ng kanilang longtime publicist na si Kathryn Frazier, pero walang binigay na rason sa pagkabuwag.

Sinimulan nina Thomas Bangalter at Guy-Manuel de Homem-Christo ang Daft Punk noong 1993.

Pinasikat nila ang mga kantang “One More Time,” “Harder, Better, Faster, Stronger,” “Da Funk,” “Around the World,” at “Get Lucky.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?