36

Jun 20, 2020 @ 12:52
By

Dizon: Mga media worker libre dapat sa COVID testing

Sinusulong ni COVID-19 testing czar Vince Dizon na gawing libre ang pagpapa-test ng mga nagtatrabaho sa media.

Ayon kay Dizon, kanyang ipapakiusap sa Department of Health (DOH) na isama ang media sa mga may libreng COVID-19 testing dahil kabilang ang mga ito bilang frontliner.

“We have to test all of you. What we will do now, Senator (Richard) Gordon and myself, we will ask the DOH [Department of Health] to include the media as frontliners so that ‘yung mga tests niyo, sagot na rin ng PhilHealth,” pakli ni Dizon.

Aniya, kada dalawang linggo ay dapat sumalang sa COVID-19 testing ang mga media practicioner dahil na rin sa iba’t ibang tao na nakakasalamuha sa kanilang trabaho.

“Dapat every two weeks, nagpapatest kayo hindi lang para sa pamilya niyo, para sa inyo kundi para rin sa mga taong na-expose sa inyo, para siguradong COVID-free kayo,” paliwanag ni Dizon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?